Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

1 Chinese National, 1 Abogado at 1 pang Sangkot Arestado sa Tangkang Panunuhol sa mga Operatiba

Image may contain: 7 people, people standing

Camp Bagong Diwa— “Kahit isang bilyon pa ang inalok niyo sa akin o sa mga tao ko, mabibigo kayo. Hindi niyo ako mabibili.” Iyan ang binitawang salita ni NCRPO Regional Director PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR sa tangkang pagsuhol sa kanyang hepe ng NCRPO Regional Special Operations Unit (RSOU) na si PCOL ROGARTH CAMPO.

Iprinisinta kanina ni PMGEN ELEAZAR ang arestadong 1 chinese national, 1 abogado at isa pa sa tangkang panunuhol sa hepe ng RSOU kaninang alas-dos ng madaling araw sa mismong tanggapan ng nasabing unit upang aregluhin ang isa sa mga nahuli kahapon na si Li, Xuemei na unang sinampahan ng kasong paglabag sa batas ng Anti-Trafficking Law.

Ang tatlong lalaking suspek ay kinilalang sina; Vasquez, Joselito y Sta Cruz, 56 taong gulang, may asawa, isang abogado at nakatira sa 7109 Anselmo St., Olympia, Makati City; Huang Xiangfei, chinese national, 29 taong gulang at pansamantalang nakatira sa Gramercy Hotel, Makati City; at Meljohn Palma y Lavilla, 43 taong gulang, company messenger at nakatira sa 242 Col Topacio, Poblacion IV-A , Imus, Cavite.

Napag alaman na inalok ng nasabing abogado ang hepe ng RSOU ng dalawang milyong piso kapalit ng agarang paglaya ng suspek sa trafficking na si Li, Xuemei. Kung kaya’t, isang entrapment operation ang isinagawa sa mismong opisina ng RSOU na nagresulta sa kanilang pagkaaresto. Gayunpaman, sa aktwal na pagbabayad, isang milyon lamang ang inihatid ng abogado at dalawang daang libo piso naman ang nakuha mula kay Palma na tumayong drayber.

Sasampahan ng kasong paglabag ng Article 212, RPC (Corruption of Public Office) in relation to Art 6, RPC ang nahuling abogado at kasamang drayber nito dahilan na din sa pagkunsinti sa ilegal na transaksyon ng kanyang kliyente. Gayundin, sasampahan din ng kaukulang kaso ang nasabing lalaking chinese national na pinaniniwalaang sangkot sa sindikato na talamak na nagpapatakbo ng prostitusyon sa bansa.

Image may contain: 7 people, people standing
Image may contain: 4 people, people standing

#TeamNCRPO #PIONCRPO #RDELEAZAR #GeneralEleazar #RsouNcrpo #lawyerbribesoperatives #suhol