Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

Ceremonial Turn-Over of Cash Donations for PCpl Fornis & Angela Perez

Image may contain: 9 people, people smiling, people standing and indoor

NCRPO umulan ng cash donation mula sa publiko para kay PCpl Fornis at Angela Perez

Camp Bagong Diwa — Muling napatunayan ng National Capital Region Police Office sa pamumuno ni PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR na bumabalik na ang tiwala at suporta ng publiko sa kapulisan ng magkaroon ng Turn-over of Cash Donation para kay PCpl Claro Fornis at Angela Perez mula kay Ginoong Jim S Bathal, CEO/ Founder ng Monster Pizza Corp kasama din ang mga ginoo ng International Events Company na sina Samuel H Santigo, (Operations Director), Leon Y Ngai (Event Supervisor) at Liang bo Sheng (Public Relations Director) na ginanap kaninang hapon.

Image may contain: 6 people, people smiling, people standing

Ayon kay PMGEN ELEAZAR ay di man ito ang unang pagkakataon na may nagbigay ng suportang pinansyal sa mga nasabing beneficiaries ay malaki pa rin ang pasasalamat nito sa mga matulunging donors kung saan hindi lamang tulong pinansyal ang ibinibigay nito sa kapulisan kundi pag-asa na lubusan na ngang maibalik ang magandang imahe ng kapulisan sa publiko.

“You are inspiring us so much on the TV, the videos we watch.” Aniya ni Ginoong Bathal kaya nagbigay sila ng donasyong pinansyal sa pulis Makati at batang si Angela dahil na rin sa pagtabig ng nakakaantig na kwento ng isang good samaritan na pulis sa isang batang mamamayan na syang tumatak sa puso ng karamihan.

#TeamNCRPO #PIOncrpo #RDEleazar #GeneralEleazar #CashDonation#MonsterPizzaCorporation #NeutoInternationalEventsCompany