Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

Dalawang Pulis Lumusong Sa Baha Upang Tulungan Ang Isang Buntis

Di inalintana ang ulan at mataas na tubig, lumusong sa baha ang dalawang pulis ng Eastern Police District -District Mobile Force Battalion upang matulungan ang isang buntis na mailipat sa isang maayus na sasakyan nitong Agosto 7, 2020 alas tres ng hapon  sa may Lilac St., Brgy., Concepcion Dos, Marikina City,

Kinilala ang dalawang pulis na sina Patrolman John Dondy B Belardo at Patrolman Jeremie A Mallillin, na nakatalaga sa Marikina-Antipolo Boarder Quarantine Control Point sa Lilac Street corner Olive Street, Marikina City.

Ayon sa ulat, namataan ang isang e-tricycle na may sakay na isang buntis na pumutok di-umano ang panubigan dahilan kung bakit sinuong nila ang baha kasama ang kanyang asawa.

Nang makita ng mga pulis ang nasabing kalagayan ng buntis, hindi sila nag atubiling  sumuong sa baha at tumulong na mailipat ang buntis sa isang L300 Van para mas mabilis na maitakbo sa ospital. Ang tanging nais nila ay masiguro ang kaligtasan ng ina at ng anghel na isisilang nito.

“Ang kusang loob na pagtulong ng ating mga pulis ay nagpapakita na marami sa ating hanay ang handang tumugon sa ating mga kababayan ng higit pa sa sinumpaang tungkulin. Ang pagtutulungan ay hindi kinakailangan ng anumang mandato o kapalit, ito ay ginagawa ng bukal sa puso lalo na sa panahon ng pandemyang ating kinakaharap”, sambit ni PMGEN SINAS.