Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

NCRPO Chief magkasunod na pinagunahan ang inagurasyon at blessing ng 2 bagong gawang pasilidad sa NCRPO Camp Bagong Diwa

Image may contain: 6 people, people standing

24 July 2019 – Kasabay ng Revitalized Internal Cleansing partikular sa pagpapatupad ng Intensified Cleanliness Policy ay magkasunod na pinangunahan kanina ng hepe ng National Capital Capital Region Police Office na si PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR ang inagurasyon at pagbabasbas sa bagong gawang Regional Legal Office Building at NCRPO Club House sa NCRPO Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Image may contain: 5 people, indoor

Kasabay nito ang ribbon cutting at unveiling of markers sa mga nasabing pasilidad kasama ang mga personnel kabilang ang mga opisyales ng NCRPO.

Image may contain: one or more people and people standing

Dito hayagang sinabi ni PMEN ELEAZAR na ang dalawang pasilidad na ito ay importante na siyang magsisilbing giya ng hepe at giya ng kapulisan sa pagpapatupad ng mandato ng kapulisan ng NCRPO.

Image may contain: 3 people, people standing

“Kahit luma ang gamit kahit maliit ang lugar ay napakaganda at kaaya-ayang tingnan kung alam natin ang kahalagahan ng kalinisan sa loob at labas ng ating opisina dahil ang malinis na kapaligiran ay nangangahulugan ng malinis na pagseserbisyo sa bayan,” tagubilin pa ng hepe kanina.

Image may contain: one or more people, people sitting and indoor