Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

NCRPO Chief nakiisa sa 5th Metro Manila Shake Drill sa pagdiriwang ng National Resilience Month ng MMDA sa Makati City

Image

27 July 2019 – Dakong alas-tres ng madaling araw ay aktibong nakiisa si National Capital Region Police Office PMGen Guillermo Lorenzo T Eleazar sa 5th Metro Manila Shake Drill sa pagdiriwang ng malawakang National Resilience Month sa harap ng MMDA Building, Makati City.

Dito ay kasama ni PMGen Eleazar si Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Delapuz Lim na nag-activate ng Emergency Operation Center (EOC) ng MMDA katuwang ang mga Agency Heads ng Response Cluster at mga quadrant commanders na mabilisan namang nagtungo sa kani-kaniyang quadrant areas kasama ang mga tauhan ng MMDA. Kabilang din ang mga kinatawan ng Response Cluster ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno tulad ni USEC Renato U. Solidum Jr. ng PHIVOLCS na siya namang pangunahing nagbibigay ulat ng point of origin ng lindol at nararamdamang intensity level nito sa kalakhang Maynila.

Ang pagsasagawa ng nasabing Drill ay naglalayong subukin ang kapasidad at kahandaan pribado at pampumbulikong sektor sa lipunan sa oras ng anumang pagyanig, sakuna o sa pagdating man ng “The Big One.”

Image

5th Metro Manila Shake Drill

NCRPO Chief nakiisa sa 5th Metro Manila Shake Drill sa pagdiriwang ng National Resilience Month ng MMDA sa Makati City27 July 2019 – Dakong alas-tres ng madaling araw ay aktibong nakiisa si National Capital Region Police Office PMGen Guillermo Lorenzo T Eleazar sa 5th Metro Manila Shake Drill sa pagdiriwang ng malawakang National Resilience Month sa harap ng MMDA Building, Makati City.Read more: http://bit.ly/2SJR1nv

Posted by PIO NCRPO on Saturday, July 27, 2019