Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

NCRPO Chief PMGEN ELEAZAR guest host sa programang Rektang Konek

Image may contain: 1 person

Camp Crame, Quezon City—Tampok si National Capital Region Police Office Chief PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR sa numero unong dulugan ng bayan ang programang Rektang Konek, Aksyon Agad kasama ang regular hosts na sina PBGEN RHODEL O SERMONIA at PCOL EMMA M LIBUNAO, Huwebes ng tanghali, September 19, 2019 sa Legal Service Building, Camp Crame, QC. Sa segment na ito ay tinatalakay at tinutukang maigi ang reklamo ni Princess Lady Ann Sahidulla, dating Sulu 2nd District Congresswoman, kasama si Pahima Usop Yu, at 2 pang sibilyan kay Noor Guiapal, isang sibilyan din na siyang inerereklamo sa iba’t-ibang kadahilanan gaya ng diumao’y paggamit ng mga pangalan ng mga Heneral, Senador at opisina ng Presidential Adviser for Overseas Filipino Workers (OFW) diumano kasama na rin ang extortion at paninirang puri. Dito, patas na dininig ang magkabilang panig sa programa ng Philippine National Police upang mabigyang linaw at magkaroon ng tamang disposisyon ang hinaing ng bawat isa. #PIOncrpo #RDEleazar #GeneralEleazar #RektangKonek

Image may contain: 3 people, people sitting and indoor