Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

NCRPO Chief PMGEN ELEAZAR regular hosting sa Rektang Konek Aksyon

Image may contain: 1 person, sitting and indoor

03 October 2019 – Tampok muli ang ating National Capital Region Police Office Director na si PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR kasama sina PCOL EMMA M LIBUNAO at Atty. Bruce Rivera bilang mga regular hosts sa pagbibigay ng ayuda sa serbisyo publiko sa programa ng UNTV, ang direktang sumbungan ng bayan—“Rektang Konek Aksyon Agad” na ginanap kanina sa ACCPI Office, Legal Service, Camp Crame, Quezon City.

Sa segment na ito ay agarang tumalima sa pagsuporta at pagbibigay ng payong legal si PMGEN ELEAZAR kasama ang kanyang action team sa mga nagsidulog ng problema na mga magulang na sina Gng. Relisa Lucena, Gng. Luisa Espina, Gng. Gemma Labsan at Gng. Elvie Caalaman na matatandaang bumatikos sa pagrecruit at pagkumbinsi sa kanilang mga anak na sumapi sa Anakbayan, Kabataan Party-list, League of Filipino Students, National Union of Students of the Philippines at iba pa.

Sa huli nagbigay ng mensahe ang hepe ng NCRPO para sa publiko: ”isang karangalan po ang makapag-bahagi ng serbisyo sa ating mga kasambahay. Irekta niyo na po ang inyong mga reklamo at sumbong dito sa Rektang Konek, Aksyon Agad.”

Image may contain: 3 people, people standing, people sitting and indoor