Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

NCRPO RD PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR in DWIZ

Image may contain: 5 people, people smiling, people standing and indoor

NCRPO Chief nabansagang may Tapang at Malasakit sa pagseserbisyo para sa bayan sa live guesting nito kanina sa programang Tambayang Mocha at Drew sa DWIZ 882. “Na-reached na natin ang magandang perception ng taumbayan dahil sa tulong ng bawat isa sa amin sa pagbaba ng krimen, we are now feeling safer and we have now peace of mind.”, bungad ni PMGEN ELEAZAR ng kamustahin ng host na si Mocha Uson ang hepe ng NCRPO ukol sa good news sa PNP. “Sana ituloy natin ang magandang relasyon, we will reward the good and punish the bad, hindi kami magdadalawang-isip na tanggalin kayo.” Sa programa binigyang diin ng hepe ang pagdami ng kabataan na gustong magpulis ay dahil na rin sa pagtaas ng sweldo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, pagtaas ng imahe ng kapulisan at tiwala ng taumbayan. Nabigyang pansin din sa usapan si EPD Director na si PBGEN TAMBUNGAN na kamakailan lamang ay sinibak sa pwesto dahil sa pananapok nito sa isang policewoman. Mariin pang binanggit nito na hindi niya ito kinukunsinti kahit ito ay isang heneral pa. “Sa ating mga kapulisan naman, tayo ay parehas.” Nabigyang papuri din ng programa ang good deed ni PCpl Fornis sa batang si Angela Perez kung saan naman ay ipinaalam ng hepe na marami ang nasagi ang puso sa payak na kwento nito sa katunayan ay may mga tulong pinansyal at medikal na ibinahagi ang NCRPO sa nasabing estudyante sa tulong na rin ng mga kababayan nating good samaritan. Kaya bilang pagtugon nag-iwan ng mensahe ang hepe ng NCRPO, “Sa mga napakaraming pulis na gumagawa ng kabutihan, saludo kami sa inyo, the PNP leadership is behind you magtulungan tayo pra sa ikauunlad ng ating sambayanan.”

Image may contain: 2 people, people smiling, indoor