Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

Surprise inspection ni NCRPO Chief PMGEN ELEAZAR, 2 mobile patrol officer at 1 police desk officer huling tulog sa Las Piñas

Matapos ang isinagawang surprise inspection ng Direktor ng National Capital Region Police Office na si PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR sa kapulisan na nasasakupan ng Southern Police District noong madaling araw ng Lunes, ika-dalawamput-talo (23) ng Setyembre taong kasalukuyan ay nahuli nitong natutulog ang dalawang (2) Mobile Patrol Officer na kinilalang sina PCpl Eugine R Ybasco at PCpl Jayson M Monsales habang naka standby ang kanilang mobile ng Police Assistance Desk sa kahabaan ng Alabang Zapote Road, Pamplona Dos sa Las Piñas City.

Ang dalawa ay parehong nakatalaga sa Police Community Precinct 3 (Barangay Zapote)  na kasalukuyang pinamumunuan ni POLICE MAJOR JOEL GOMEZ. 

Namataan rin ni PMGEN ELEAZAR sa kasunod nitong pagronda sa karatig na presinto ang isang pang pulis na animo’y nakahiga at nang lapitan ng hepe ng NCRPO ay nakumpirma na si PSSg Danny Cerbito ay natutulog habang nakaduty ito bilang Desk Officer ng Police Community Precinct 2 (Barangay Zapote) na pinamumunuan ni POLICE LIEUTENANT EDGARDO ORONGAN.

Layon ng naturang inspeksyon na matiyak na tapat na tumatalima ang kapulisan sa kanilang tungkulin bente kwatro oras.

Dahil sa nasabing insidente, dinisarmahan ni PMGEN ELEAZAR ang mga nasabing pulis at tiniyak nito na makakasuhan sila ng kasong administratibo at paiimbestigahan ang mga ito dahil sa kapabayaan o “Neglect of Duty.”

Samantala, ipanagutos ng hepe ng NCRPO na agarang mag-ulat ang mga nasabing pulis kasama ang kanilang mga hepe.   

Kaugnay nito, ang mga nasasangkot na pulis ay agad ding sinibak ni PMGEN  GUILLERMO ELEAZAR sa kani-kanilang pwesto at itinalaga sa Regional Headquarters Support Unit ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.